http://

matabangutak:

365/366

day 38: thoughts on your generation

Henerasyon ko ngayon? Ay ewan ko na lang talaga, hindi ko alam kung ano ang masasabi ko. Ibang-iba sa henerasyon na kinagisnan ng ating mga magulang. Nabuhay silang walang internet dati, ngayon naman halos ikamatay na ng iba ang walang internet dati, ngayon naman halos ikamatay na ng iba ang walang internet. Magka brown out nga lang sandali, sobrang badtrip na. Lumabas ng bahay para gumala, pero WIFI pa rin ang hinahanap para mag Online.

Masasabi ko ng matapang na medyo tamad ng kumilos ang karamihan na kabataan na nasa henerasyon natin ngayon.

Hindi na nga naglalaro ang mga bata sa lansangan eh, dati palaging may galos ang tuhod ng mga bata dahil sa pakikipag laro ng patintero at habulan. Ngayon lahat may reading glasses na dahil lumabo na ang mata kakalaro sa computer. Tipong 8 years old pa lang o 10 years old may facebook account na agad. Naglalaro na agad ng farmville, pa click click lang. Tapos mga 12 years old eh naglalaro na ng Tetris Battle.

Dati brick game lang, ngayon Itouch, Ipad na. Pa temple temple run na lang. Pa Angry angry birds na lang. Nakakatakot din ang henerasyon ngayon. Masyadong agresibo, tipong ang babata pa lang eh grabe na lumaban sa mga mas nakakatanda sa kanila. Grabe lang talaga ngayon ang henerasyon. 

Sa henerasyon na ito nauso ang Poser, ang cyber bullying at marami pang iba.

Hindi naman sa sinisiraan ko ito, parte rin ako ng henerasyon na ito. 

View Notes
  1. tatzkiee reblogged this from matabangutak
  2. matabangutak posted this